Abante Tonite Interactive

Durant kalmado vs basher

By
693

Parang sirang plaka, paulit-ulit na.

Pero hindi pa rin tinatantanan ng fans ang pambubundol kay Kevin Durant tatlong taon na ang nakalipas matapos niyang iwanan ang Oklahoma City Thunder para tumawid ng Golden State Warriors.

Isang Basilio Reyes (@bjsowavy) na self-proclaimed “LeBron James insider” ang nag-post sa Twitter ng sagutan nila ni KD.

Abante Hiring – IT dep

“Kevin Durant really took his time to discuss with me the weakest move in NBA history,” caption ni bjsowavy sa kanyang tweet kasama ng screenshot ng conversation.

Weakest move daw sa NBA ang ginawang paglipat ni Durant sa 73-win Warriors. Para sa fan, dapat si Durant ang namumuno­ sa kanyang team para maghabol ng championship, hindi ‘yung siya ang sumusunod kay Stephen Curry at sa Warriors.

Sinasayang lang daw ni Durant ang kanyang kabataan sa Golden State.

Mukhang kalmado ang mga sagot ni Durant.

“My pride doesn’t get in the way of my development,” buwelta niya.

Sa sinasabi na pinakamadaling daan ang tinahak niya nang lumipat sa Warriors para magkaroon ng dalawang championship rings, simple lang ang sagot ni KD.

“Nothing this good is ever easy.”