Abante Tonite Interactive

Durant, may 2-year contract sa Warriors

By
2,209

Payag na daw si Ke­vin Durant na manatili sa Golden State Warriors, hihingi ng two-year maximum contract na may player option para bumalik sa free agency sa 2019.

Sa pag-uumpisa ng free agency 12:01 nang madaling araw ng July 1 ay mag-uusap na raw sina Durant at ang Warriors, ayon kay Marc Stein ng The New York Times.

Ibig sabihin ay hindi na patatagalin ni Durant ang kanyang free agency, magpapasabi na agad sa team na tinulu­ngan niyang maihatid sa back-to-back championships.
Sa July 6 pa puwedeng magpirmahan ng kontrata ang teams at players, pero puwede na silang mag-usap at magkasundo.

Dati pa ay sinabi na ni Warriors president Bob Myers na ibibigay nila anuman ang hili­ngin ni Durant, wala nang negosasyon.

Sa bagong two-year deal sa NBA maximum, tatanggap si Durant ng $30 million sa next season at $31.5 million na may player option sa 2019-20.

Puwede na ngang pumirma si KD ng four-year maximum contract na nagkakahalaga ng halos $160 million ngayong July, pero mukhang mas gusto niya ang short-term deals.