Abante Tonite Interactive

Durant miron lang sa pagwawala ni Curry

0 449

By VE

Sa Oakland pinanood ni Kevin Durant ang pagwawala ni Stephen Curry sa Houston para muling akayin ang Golden State sa Western Conference finals.

Scoreless sa first half si Curry pero nilista lahat ng 33 points niya sa second, 23 dito sa fourth, at sinapawan ng Warriors si James Harden at ang Rockets 116-110 Biyernes ng gabi.

Abante Hiring – IT dep

Isinara ng Warriors ang semifinals sa anim na laro.

Sa panlimang sunod na season, nasa conference finals na naman ang Golden State. Apat sa huling limang postseasons ay sinipa ng Warriors ang Rockets.

Nagpaiwan si Durant sa Bay Area, pinapagamot ang kanyang strained right calf na nakuha sa Game 5 win.

Ayon sa team, sa susunod na linggo ire-re-evaluate si Durant. May ilang araw na pahinga ang Warriors bago harapin sa West finals ang mananalo sa series ng Portland at Denver na nauwi sa deciding Game 7.

Sa Game 6, pinag-start ni coach Steve Kerr si Andrew Bogut kahalili ni Durant. Nagbaba ng 3 rebounds ang Australian pero hindi umiskor.

Good news sa Warriors ay binigyan ng go signal si center Damian Jones (torn pectoral muscle) na sumama sa contract drills at posibleng makalaro sa susunod na round.