Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant multa sa pagmumura

0 32

Pinagmumulta ng NBA ng $15,000 o kulang-kulang na P800K si Brooklyn Nets star forward Kevin Durant nang magmura ito sa post-game interview.

Nangyari ito matapos talunin ng Portland Trail Blazers ang Nets, 114-108, nitong Martes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa lumabas na ulat, pinagbabayad ng nasabing halaga ang 33-anyos na American forward “for using profane language during a media interview and failing to comply with an NBA Security interview as part of the review process.”

Si Durant na may 29.7 points per game average ay nangunguna sa NBA All-Star Game voting ng Eastern Conference. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.