Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, Nets muling nilambat ang Celtics

0 250

Humaharabas na inumpisahan ng Brooklyn ang Game 2 at muli ay kinubabawan ang Boston 130-108 tungo sa 2-0 lead sa NBA Eastern Conference first-round playoffs series sa Barclays Center sa New York Martes.

Maangas pa rin sina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden, pero may isang kuminang sa Nets maliban sa Big 3.

Si Joe Harris.

Pinantayan ni Harris ang franchise playoff record na pitong 3-pointers tungo sa career playoff-high 25 points.

Tumapos si Durant ng 26 points, may 20 points at 7 assists si Harden, at 15 points, 6 rebounds at 6 assists kay Irving.

“Different games it’s going to be different guys,” ani Harden. “Tonight it’s Joe, next game, Game 3 it could be somebody else.”

Game 3 sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Boston.

Inari ng Nets ang first quarter 40-26, mula roon ay hindi na lumingon.

Maagang natapos ang gabi ni Celtics leading scorer Jayson Tatum, lumabas nang masundutan sa mata at hindi na bumalik. Sa loob ng 21 minutes, nagkasya lang siya sa 9 points.

Binitbit ng 19 points ni Marcus Smart ang Celtics. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.