Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, Nets tiniris Warriors

0 54

Umiskor ng panalo sina Kevin Durant at James Harden sa 2020-21 NBA regular season game sa pagdayo sa Chase Center sa San Francisco nitong Sabado.

Nagsalansan si Durant ng 20 points, 5 rebounds at 6 assists, nagpakawala ng all-around game na 19 pts., 8 rebs. at 16 asts. si Harden at nilambat ng Brooklyn ang 134-117 panalo laban kay Stephen Curry at Golden State Warriors.

Maangas din ang pangkumpleto sa Big 3 ng Nets na si Kyrie Irving sa isinumiteng team-high 23 pts. sap ag-asenso ng Nets sa 16-12 win-loss record, at hinila pababa ang GWS sa 14-13.

Unang laro ni KD sa Chase Center matapos humingi ng trade at mapunta sa Nets pagkatapos ng 2019 NBA Finals. Buong 2019-20 siyang hindi nakalaro habang nagpapagaling ng Achilles surgery.

Si Harden ang sakit ng ulo ng Warriors sa Western Conference finals noong nasa Houston pa siya.

Hindi naisalba ng 27 points ni Curry at 17 points, 10 rebounds ni Kelly Oubre ang Warriors.

Sa timeout sa first quarter, binigyan ng Warriors ng “Welcome back KD!: video tribute si Durant, instrumento sa dalawang kampeonato ng Golden State noong 2017 at 2018. Sa parehong title run, si Durant ang Finals MVP. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.