Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant niligtas ang Nets

0 50

Ginasolinahan ni Kevin Durant ang balikwas ng Brooklyn mula 18-point down para agawan ng panalo ang Denver 122-116 Martes ng gabi sa 2020-21 NBA regular season game sa New York.

Tumapos si KD ng 34 points, 13 assists at 9 rebounds.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Humalili kay Kyrie Irving sa starting lineup si Bruce Brown na nag-deliver ng season-high 16 pts. kasama ang panabla at pang-agaw lead na baskets sa stretch. Nilista ni Durant ang sumunod na six points ng Nets para ilayo 120-113, 27 seconds na lang.

Umayuda ng 20 points si Caris LeVert sa Nets.

Puminta ng 23 points, 8 rebounds at 8 assists si Nikola Jokic sa Nuggets na lumamang 70-54 sa break pero na-outscore 68-46 sa second half. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.