Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nasama sa may COVID: Durant puwersadong magkulong

0 285

Obligadong mag-quarantine ng pitong araw si Brooklyn Nets Star Kevin Durant matapos umanong ma-expose sa isang taong nag-positive sa COVID-19, ayon sa ulat ng ESPN.

Talo sa apat sa huling limang laro ang Nets (3-4) sa 75th NBA 2020-21 regular season game, gagarahe pa si Durant umpisa ngayong araw kontra Utah. Biyernes ay Philadelphia naman ang kaharap nila, kontra Memphis kinabukasan at Oklahoma City sa Lunes.

Kapag tuloy ang negative results ng tests ni KD, pinakamaaga niyang balik sa Jan. 13 kontra Denver Nuggets.

Nag-positive na rin sa COVID-19 si Durant noong May, tuloy-tuloy naman ang rehistro ng coronavirus antibodies at tatlong beses ding nag-negative sa mga huling test, ayon pa sa source ni Adrian Wojnarowski.

Regular na tini-test sa coronavirus ang close contacts at pamilya ng NBA players kaya kapag nag-positive ang isang nakahalubilo, awtomatikong idadaan sa contract tracing o quarantine protocols ang player.

Hindi naglaro sa buong 2019-20 season habang nagpapagaling mula Achilles injury, mainit na inumpisahan ni Durant ang season sa averages na 28.2 points, 7 rebounds at 4.8 assists.. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.