Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant, pakay 2-0 vs Bucks

0 173

Mabawasan man ang Big Three, sasakyan pa rin ng Brooklyn Nets ang series opening win upang madalawahan ang Milwaukee Bucks sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 Eastern Conference Semifinals sa Barclays Center sa Brooklyn, New York Lunes (Martes sa Maynila).

Wala pang isang minuto sa first quarter ng Game 1 nitong Sabado lumabas si James Harden para i-evaluate na mukhang binalikan ng right hamstring injury, ang nagpaupo sa kanya ng 18 straight games at 20 sa 21 sa dulo ng regular season.

Sa tikas nina Kevin Durant (29 points, 10 rebounds), Kyrie Irving (25 points, 5 rebounds, 8 assists) at Blake Griffin (18 markers, 14 boards), umalpas pa rin ang Nets 115-107 laban kay Giannis Antetokounmpo at Milwaukee Bucks.

“We try not to be emotional out there, but losing one of your leaders like that on the first play of the game, we had to regroup for a couple of minutes and figure out what was next,” ani Durant postgame. “Guys came in and just tried to play extremely hard.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.