Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant petmalu ang pagbabalik

0 52

Bumalik sa lineup si Kevin Durant mula sa sprained right shoulder at umiskor ng 27, sumegunda ng 14 points at season-high 14 assists si James Harden at itinumba ng Brooklyn Nets ang Cleveland Cavaliers 117-112 sa 2021-22 NBA regular season game sa Rocket Mortgage FieldHouse sa Ohio Lunes ng gabi.

Mainam ding 21 points at 11 rebounds ang inambag ni LaMarcus Aldridge para sa Nets.

Nagpapakiramdaman pa sa first half at naiwan 63-52 sa break bago tinapakan ang silinyador sa third nang magsalansan ng 32 points para agawin ang manibela 84-82 papasok ng fourth quarter.

Si rookie Cam Thompson ang naging sparkplug ng Brooklyn, nilista sa third ang 8 sa kanyang 11 points na kinapalooban ng 3-pointer at three-point play para sindihan ang 13-2 run sa final 2 ½ minutes ng period.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binabaterya pa ng mga kakampi si Thompson.

“KD tried to trash-talk me, but I ain’t saying nothing back to him tonight,” natatawang pahayag ng 20-anyos na newcomer.

Huling nanindak sa isa ang Cavs sa 3 ni Ricky Rubio pero umiskor sa putback si Aldridge. Sinubuan ni Durant ng libreang layup si James Johnson tungo sa 113-109 Nets lead bago pinalitadahan ng apat na free throws ni KD sa final 13 seconds ang panalo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.