Abante Tonite Interactive

Durant sa Manila mga Pinoy pinasaya

By
3,470

Muling pinasabik at pinasaya ni National Basketball Association superstar Kevin Durant ng Golden State Warriors ang mga Filipino cage fan, lalo na ang mga tagasunod niya at kanyang koponan sa pangalawang pagbisita kahapon sa bansa.

Pumarito ang 29-year-old, 6-foot-7 forward American upang i-promote ang kanyang ika-11 signature shoe ng isang multi-national company.

Batid na nang nakararami, malugod pa rin niyang binaggit na pumirma na siya sa Warriors ng one-year extension sa halagang hindi lang tinukoy base sa polisiya ng kanyang koponan.

Pero siniwalat niyang labis na kinatuwa ng Pinoy ang pagiging magkaibigan na nila mula sa magkaaway ni Demarcus Cousins, ang New Orleans Pelicans free agent na nakasuntukan niya sa dugout noong Disyembre.

“On July 2nd, things kind of changed for us by adding somebody like Demarcus who I’m very excited about working with,” ani two-time Finals MVP KD, na nakatuon sa third straight title. “I think it’s going to be a fun year for us.”