Abante Tonite Interactive

Durant ‘sinipa’ ni Jones

418

SI Kevin Durant ng Brooklyn Nets ang top seed sa NBA 2K20 Players Only Tournament, pero sa first round lang ay sinipa na ni No. 16 Derrick Jones ng Miami Heat.

Ginamit ni Jones ang Milwaukee Bucks at si Giannis Antetokounmpo para kalusin ang Clippers ni Durant 78-62. Humarabas ang team ni Jones sa second half para i-shut down si Durant.

Pagkatapos ng laro, siniguro ni Minnesota Timberwolves veteran Evan Turner na hindi siya mahuhuli sa pang-aalaska kay KD.

“@KDTrey5 you know damn well you can’t play these 90s babies in video games. Every kid born afer 95 is a top chef,” tweet ni Turner.

Si Jones ay 23 lang, 31 na si Durant – kaedad ni Turner.

Habang abala sa sticks, walang masyadong trash talking sina KD at Jones. May seryosong usapan din.

Ilang linggo na silang hindi nakakahawak ng bola dahil sa coronavirus na nagpa-suspinde sa NBA at sa maramihang workouts.

Tinanong ni Durant ang pananaw ni Jones sa napapabalitang gagawin ang centralized playoffs sa Las Vegas.

“That would be dope,” excited na sagot ni Jones. “That’s my stomping ground. That’s my school!”

Home court nga ‘yun ni Jones, naglaro ng college ball sa University of Nevada-Las Vegas. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad