Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durant sisirain gabi ng Bucks

0 94

Wawasakin nina Kevin Durant, James Harden at ng Brooklyn Nets ang maningning na gabi ng Milwaukee Bucks na sisimulan ang title defense sa pagbubukas ng 76th National Basketball Association 2021-22 Martes (Miyerkoles sa Manila).

Ireresbak ng dalawang superstar at Nets ang pagtilapon sa Bucks sa huling Eastern Conference semifinals ng nakaraang season.

“We’ll see how our group responds,” litanya ni coach Steve Nash via New York Post Lunes. “They may have extra motivation. They may just be locked into what their jobs are. So I’m not really sure how they’ll respond to that, or if that’ll have an impact on them. But more than anything, I just want our guys to be prepared to start fast and play well.”

Bukod kay Durant, inaasahang magpapasiklab rin sa Nets sina Blake Griffin, Patty Mills at iba pa, lalo’t malabo pang umaksiyon ang ayaw magpabakuna laban sa Covid-19 na si Kyrie Irving. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.