Abante Tonite Interactive

Durant sumawsaw na sa GOAT debate

By
0 156

Walang duda, papunta sa Hall of Fame ang career ni Kevin Durant.

Sampung taon na sa NBA, hindi nakikita ni Durant ang pangalan na makakasama sa pagdedebatehan bilang greatest of all time na naglaro ng basketball.

“It’s cool to be in amongst those talks with the great pla­yers,” anang Golden State forward. “But it’s hard to pinpoint who has the best list.”

Usap-usapan na posibleng umalis ng Warriors si Durant para lumipat sa New York sa free agency sa July.
Kapag napagkampeon niya ang Knicks, sementado na ang kanyang legacy.
GOAT?

“I try not to worry about that stuff because it’s out of my control,” pakli niya. “I appreciate the fans enjoy the game as much as I love it and have a deep admiration of players. I can’t really focus what I do on the basketball court to who is going to rank me among the top 15, 20 players. It’s cool for conversation as far as fans.” ()