Abante Tonite Interactive

Durant tengga na rin sa NBA Finals

375

Bad news sa Golden State Warriors.

‘Di pa rin makakalaro si Kevin Durant sa Games 3 at 4 ng Western Conference finals sa Portland habang tuloy ang recovery mula strained right calf.

Base sa timing ng susunod niyang trip sa doktor, posibleng ‘di na siya makabalik hanggang NBA Finals sakaling umusad ang Warriors.

Sa re-evaluation nitong Huwebes bago ang Game 2 ng best-of-seven series kontra Trail Blazers, nakumpirmang ‘di pa siya puwede sa court. Sa isang linggo ang susunod na examination ng two-time Finals MVP.

Good news, naigapang ng Warriors ang 114-111 panalo para iposte ang 2-0 lead sa series.

“(Durant) has shown good progress since beginning his rehabilitation program one week ago. At this point, Durant is not ready to advance to on-court work,” anang statement ng Warriors.

Nangunguna sa postseason ang 34.2 points per game ni Durant, nakuha ang injury sa third quarter ng Game 5 ng conference semifinals kontra Rockets at hindi na sumama sa Houston sa Game 6 clincher ng Warriors.

Tengga rin siya sa Game 1 kontra Blazers noong Martes, at sa Game 2 nitong Miyerkoles.

Ibig sabihin ay kailangang balikatin nina Stephen Curry at Klay Thompson ang scoring load ng Golden State. (VE)