Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durante tikom sa vaccine donor

0 86

Igigiit ng Presidential Security Group (PSG) ang “confidentiality” sakaling imbestigahan sila para alamin kung saan at kanino nakuha ang bakuna laban sa COVID-19 na itinurok sa mga tauhan nito kahit walang pag-apruba mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

“It’s up to us, but of course, we have to adhere to the confidentiality due to the nature of our job. We could invoke that…That will depend kung ano man ang investigation na gagawin,” sabi ni PSG chief Brig. Gen. Jesus Durante nang tanungin kung handang sabihin sa FDA saan galing tinurok nilang bakuna.

SM food to go Banner Ad

Tikom pa rin ang bibig ni Durante kung kanino at paano nakakuha ang PSG ng bakuna dahil makakaapekto umano ito sa vaccination program ng pamahalaan.

Iginiit pa ni Durante na walang ginamit na pondo ng gobyerno sa pagkuha nila ng bakuna. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.