Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duremdes nalungkot din

0 194

Ikinalungkot din ni Philippine Basketball Association legend Kenneth Duremdes ang nakatakdang pag-exit ng Alaska sa pro league tapos ng 35 seasons.

Ibinahagi ng ngayo’y 48-anyos at Maharlika Pilipinas Basketball League commissioner at parte sa ilang kampeonato ng Aces sa PBA, ang saloobin kay Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido Lunes.

“Well, nalungkot talaga ako dahil I can’t imagine the legacy and the memories that Alaska organization will leave to our PBA fans,” sey ng six-time PBA champion at 1998 MVP.

Dugtong pa niyang, “Ang Alaska organization maraming na-inspire na mga Pilipino during our time, 80’s, 90’s. Marami rin ang gumanda ang buhay dahil malaki ang impact sa buhay ng tao ang nagawa ng Alaska organization, hindi lang sa sports kundi sa pangkalahatan.”

Pinanapos ni Duremdes, na malaking parte rin sa kanyang basketball career ang Aces dahil doon lumitaw ang galing niya kung saan nakadalawa rin siyang Finals MVP.

“It’s a big part of my career especially dun sa Alaska nag-blossom ang career ko.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.