Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Durens, Ogayre tiyak sa bronze

0 167

Nakasigurado na ng bronze medal sina Mark Lester Durens at Jun Ogayre nang umentra sa 2021 Asian Elite Men’s and Women’s Boxing Championships semifinals sa Dubai, United Arab Emirates.

Maagang binugbog ni Durens si Mansour Khalefahat ng Kuwait patungo sa quarterfinals first round referee-stopped-contest win sa men’s light flyweight (46-49kgs) Martes ng gabi, samantalang umupak ng 5-0 decision si Ogayre kontra Rukmal Prasanna ng Sri Lanka para sumulong sa men’s bantamweight (56kgs) semifinals.

SM food to go Banner Ad

Pero sawimpalad na mag-Final 4 ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas na sina John Paul Panuayan at Maricel dela Torre sa women’s lightweight.

Lumasap si Panuayan ng RSC third round 3 loss kay Bakhodur Usmonovat ng Tajikistan sa men’s welterweight, habang ‘di nakaporma si Dela Torre kay Huswaton Hashanah ng Indonesia sa women’s lightweight, 0-5. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.