Abante Tonite Interactive

Durham, Almazan paparahin ang Dyip

0 106

Itataya ng Meralco ang three-game winning run laban sa ­Columbian Dyip sa first game ng PBA Governors Cup ­mamaya sa Smart ­Araneta ­Coliseum.

Sa nightcap ay ­bakbakan ang TNT ­KaTropa (7-1) at ­solo-fifth Ginebra (5-3).
Kabuhol ng TNT sa 7-1 ang NLEX, pero No. 2 ang Texters dahil natalo sa Road Warriors.

Matapos itumba ng Bolts ang Blackwater 106-97, tinambakan nila ang mga bigating San Miguel Beer (125-99) noong Oct. 27, at ­Ginebra (101-77) noon lang ­Linggo para patibayin ang kapit sa third spot.

Twice-to-beat ang Nos. 1-4 laban sa 5-8 sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations ng PBA Governors Cup.

Simple lang ang ­misyon ng Dyip – gusto lang nilang manatili sa top 8 para bumiyahe sa playoffs. Sa 6-3, solo sa 7th ang Columbian.

Taob ang Dyip sa ­Magnolia 118-103.

Hindi pa nakakabuwelo ang dalawang bagong salta sa Meralco na sina Allein Maliksi at Raymar Jose, pero walang pinagbago ang maangas na laro ng mga regular na sina Raymund Almazan, Chris Newsome at Baser Amer.

Pasabog din ng 39 points, 12 rebounds at 7 assists si Allen Durham noong huli nang sapawan si Justin Brownlee ng Ginebra. Mula sa field ay 16 of 21 si AD, 4 for 5 sa 3-point range.

Isa pang pinuri ni coach Norman Black si Bong Quinto na tinawag niyang ‘Glue Man’ dahil sa pagiging stabilizer ng Bolts.

Sina rookie CJ ­Perez, Rashawn ­McCarthy at Juami Tiongson ang huhugutan ng local ­support ng Dyip para kay import Khapri Alston na may 26 points at 14 ­rebounds kontra ­Hotshots. (VE)