Abante Tonite Interactive

Durham ayaw magrelaks, Meralco walang patawad

266

Semis Game 2 ngayon: (MOA Arena)
7 pm – Alaska vs. Meralco

Naunahan ng Meralco ang Alaska sa kanilang PBA Governors Cup semifinals duel, pero hindi puwedeng mag-relax ang Bolts, ayon kay import Allen Durham.

Tatlong panalo ang kailangan nila para bumalik sa finals ng season-ending conference.

Game 2 mamaya sa MOA Arena.

Kinuryente ng Bolts ang pampitong sunod na panalo.

“It’s kinda nice to relax a little bit but we don’t want to relax,” giit ni Durham pagkatapos ng 97-92 win ng Bolts sa Ynares Center sa Antipolo noong Linggo.

Tumabo ang two-time Best Import ng 32 points, 14 rebounds at 6 assists para giyahan ang Meralco.

Hindi puwedeng mawala ang intensidad ng Bolts, nakaligtas sa anim na do-or-die games umpisa sa eliminations na tumawid sa quarterfinals.

Nagpe-peak na raw ang Meralco, at hindi puwedeng mawala.

“It’s been working for us to keep the intensity up and keep playing the way we’ve been playing so we’re gonna keep trying to have that mentality that we’ve been having the past few games,” dagdag ni Durham.
Pati si coach Norman Black, puro papuri sa kanyang reinforcement na 13 of 19 mula sa field. (Vladi Eduarte)