Abante Tonite Interactive

Durham: butata ni Japeth foul!

604

Tauhan si Allen Durham sa play na “The Block” sa endgame ng PBA Governors Cup Finals Martes ng gabi.

Pero ‘di ang Meralco import ang bida sa stage ng Smart Araneta Coliseum.
Siya ang biktima sa footnote ng laro.

Iwan ng dalawa ang Bolts 89-87 sa final seconds, mula sa tuktok ay inatake ni Durham ang lane bago umangat sa harap ng basket.

‘Di siya hiniwalayan ni Japeth Aguilar, sumabay rin sa ere at binutata ang tira ni Durham. Nakuha ni Justin Brownlee ang bola, na-foul at ipinasok ang panelyong dalawang free throws.

Sinikwat ng Ginebra ang opener ng best-of-seven series 91-87.

‘Di pumito ang referees, clean block. Pero iba ang pananaw ng two-time Best Import.

“In my opinion, I thought that was a foul,” giit ni Durham, tumapos ng 25 points, 18 rebounds at 10 assists.

“The video replay made it look like a foul. I mean, he was all over my shoulder. … I guess the refs say he got more ball than body.”

Inalat ang shooting ng Bolts, 33 lang ang naipasok sa 86 field goals na binitawan. Si Durham ay 10 of 26 sa field, 0 for 5 sa 3s. Kung nahulog lang sa net ang iba nilang tira mula sa labas, malamang na bumuka ang depensa ng Gins.

Wala na siyang magagawa, nadesisyunan na ang laro. Tulad ng magiting na sundalo, ‘di siya magmumukmok sa isang tabi kundi pinag-iisipan na ang bounce-back.

“Personally, I got to shoot better,” aniya. “I didn’t perform­ to the best of my ability.­ So I got to be better the next game.”
Game 2 bukas sa Quezon Convention Center sa Lucena. (Vladi Eduarte)