Abante Tonite Interactive

Durham kontra Wright sa Govs Cup opening

By
708

Babasagin ng Meralco at Columbian Dyip ang hostilidad sa season-ending PBA Governors Cup sa Biyernes sa Ynares Center.

Opener ang Bolts at si two-time Best Import Allen Durham sa double-header sa Antipolo, tampok sa 7 pm nightcap ang bakbakan ng NLEX at TNT KaTropa.

Si newcomer Akeem Wright ang ipaparada ng Dyip.

Siyam na araw nag-break ang PBA matapos agawin ng Ginebra ang korona ng San Miguel Beer sa midseason Commissioner’s Cup noong Aug. 8.

Si Ola Ashaolu ang ibinalik ng Road Warriors sa 6-foot-5 import ceiling conference, babandera sa Texters si returning Mike Glover.

Pahinga muna sa unang dalawang linggo ng tournament ang Gin Kings at Beermen, ang Rain or Shine ay sa September na magsisimulang lumaro.

Anim na players ng Elasto Painters ang core ng Philippine national team na sasagupa sa Asian Games sa Indonesia kaya sa Sept. 22 na unang sasalang kontra TNT sa Petron Blaze road game sa Iloilo.

Uumpisahan ng defending champion Ginebra at ni Justin Brownlee ang paghabol sa three-peat sa Aug. 31 kontra Columbian sa Smart Araneta Coliseum.

Kinabukasan, Sept. 1, sa Big Dome din ay magde-debut ang San Miguel kasama si balik-import AZ Reid.