Abante Tonite Interactive

Durham kukuyugin ng Ginebra

0 279

Finals Game 4 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
6:30pm – Conference Awards
7:00 pm – Ginebra vs Meralco
(Gin Kings lead series, 2-1)

Kahit walang Raymond Almazan ang Meralco, nakaabang pa rin ang Ginebra nang umaatikabong bakbakan sa Game 4 ng PBA Go­vernors Cup Finals nga­yong alas-siete nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bago ang tipoff ay ibibigay muna ang Best Player of the Conference at Best Import awards.

Inabot ng left knee injury si Almazan sa Game 3 nitong Linggo, kaya ‘di na makakalaro ngayon at posibleng ipahinga na rin sa buong series. Inari ng Gin Kings ang laro 94-82 para sa 2-1 lead sa best-of-seven.

“We expect on Wednesday it will be another huge battle,” ani Ginebra coach Tim Cone.

Related Posts

Dumistansiya ng hanggang 23 sa third quarter ang Gins pero nailapit pa sa lima ng Bolts sa fourth bago naubusan sa dulo.

Sinaman­tala ang pagkawala ng pambara ng Bolts sa gitna, nangolekta ng 42 points sa paint ang Gins kum­para sa 34 ng Bolts. Bentahe rin ng Ginebra ang second-chance points 15-8.

Inatake ni Stanley Pringle ang shaded area sa third nang ilista ang 17 sa kanyang 21 points. Namiyesta rin si Japeth Aguilar ng 7 blocks panahog sa kanyang 23 points, tumapos si Justin Brownlee ng 24 points, 9 ­rebounds at 9 assists.

Ayon kay Ginebra playmaker LA Tenorio, itutuloy nilang limita­han si Allen Durham at Bolts locals habang wala si Almazan tulad ng ginawa nila noong huli.

“That’s the way to do it, we just have to take advantage lang talaga,” ani Tenorio, nag-ambag ng 11 points, 2 rebounds, 4 assists at 2 steals. (VE)