Abante Tonite Interactive

Durham, Meralco nilaklak ang SMB

178

Nagposte si Allen Du­rham ng triple-double job upang lasingin ng Meralco ang grandslam-seeking San Miguel Beer, 125-99, sa tampok na laro sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Kumayod ang best import ng 29 points, 15 rebounds para sa back-to-back victory at agawin ng Bolts ang third spot sa Beermen sa 5-2 win-loss record sa season-ending conference

Nakatuwang ni Durham ang ang bagong recruit na si Allein Maliksi na may 12 markers,­ 5 boards at 2 feeds para isalya rin ang San Miguel sa fifth spot sa paglasap ng kambal na tilapon tungo sa barahang 5-3 sa kabila ng 31 pts. at 13 rebs. ni June Mar Fajardo.

Kawalan sa SMB ang ‘di nakalaro sa final half na si Dezmine Wells sa nang magka-sprained ankle sa natitirang apat na minuto ng second period kaya nagpiyesta si Durham.

Tinarak ng Meralco ang 16 puntos na abante sa natitirang 19 segundo sa second period mula sa isang layup ni Baser Amer, 62-46.

Ibinuhos ng Bolts ang 30 puntos sa unang yugto at 34 sa ikalawang yugto habang nilimitahan ang Beermen sa 21 at 28 sa kabuuan ng unang hati upang dominahin ang laban.

Ang iskor:

Meralco 125 – Durham­ 29, Amer 26, Newsome 14, Maliksi 12, Almazan 12, Faundo 10, Quinto 7, Jamito 6, Caram 6, Hugnatan 3.

San Miguel 99 – Fajardo 31, Wells 18, Cabagnot 12, Pessumal 9, Romeo 8, Ross 5, Nabong 3, Santos 2.

Quarters: 30-21, 64-49, 92-70, 125-99. (Lito Oredo)