Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dutch tatakbong boxing president

0 76

Naging pang-apat si Dutch Boxing Federation (DBF) head Boris van der Vorst na nagdeklara ng karididatura bilang pangulo ng International Boxing Association (AIBA) sa misyong maisalba ang naghihingalong kalaghayan ng sport sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

Inilunsad ni Van Der Vorst ang kanyang kampanya para sa pinakamataas na posisyon sa nanganganib na organisasyon sa isang sulat niya sa miyembro ng National Federations ng AIBA.

Chairman ang Dutch ng Passion for Boxing Commission ng European Boxing Confederation (EBC). Makakatapat niya sina Asian Boxing Confederation (ABC) president Anas Al Otaiba, Azerbaijan Boxing executive committee member Suleyman Mikayilov at honorary AIBA vice-president Domingo Solano. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.