Abante Tonite Interactive

Duterte, 7-days sa Middle East

By
5

Iikutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Gitnang Silangan sa pitong araw nitong state visit sa susunod na linggo.

Target ng Pangulo ang Saudi Arabia, Bahrain at Qatar mula Abril 10 hanggang Abril 16 at dito na rin magpapalipas ng Semana Santa ang presidential entourage.

Ayon kay Assistant Secretary Hjayceelyn Quintana ng Office of Middle East and African Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA), haharapin ni Pangulong Duterte ang mga lider ng tatlong bansa gayundin ang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

“The President’s trip to the Middle East, whose objectives will be summarized by the words, ‘People, Progress and Partnerships,’ aims to strengthen efforts for the protection of the rights and promotion of the welfare of the more than one million of our people working in those three countries,” wika ni Quintana.

Sinabi ng opisyal na sa kabila ng kinakaharap na hamon sa ekonomiya ng mga bansa sa Middle East o Gulf States dahil sa pagbulusok ng presyo ng langis, mahalaga aniyang pananatili ang magandang relasyon ng Pilipinas sa mga bansang ito dahil sa dami ng mga OFWs na namamasukan at naninirahan dito.