Abante Tonite Interactive

Duterte aamin ‘pag may malubhang sakit — Palasyo

377

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsasabi sa publiko kapag mayroon itong malubhang sakit.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng kumalat na ulat na inatake umano ang Pangulo at isinugod ito sa Cardinal Santos Hospital.

Ayon kay Panelo, chismis lamang ang kumalat noong Linggo pero dahil mara­ming nagtatanong ay nag­labas na lamang ang Malacañang ng opisyal na pahayag para matigil na ang mga haka-haka.

Nakausap aniya nito ang Pangulo at masigla ang boses nito na indikasyong walang dinaramdam ito.

“It’s not a serious matter. Kasi kung serious yun he always tell the public about it. It started as a chismis eh di pinaba­yaan na lang.

Kaya lang since marami ang nagtatanong sa inyo, I had to issue a formal statement as per request of most of you,” ani Panelo.

Magkagayunman, nagpasalamat pa rin si Panelo sa pag-aalala ng mga tao kahit na chismis ang kumalat na isinugod ito sa pagamutan dahil sa atake sa puso.
Sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan ay nasa Bahay Pagbabago ang Presidente at abala sa pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.(Aileen Taliping)