Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte admin bida sa Legacy Summit

0 86

Ilalahad ng Malacañang ang lahat ng mga nagawa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa itinakdang Legacy Summit sa susunod na linggo.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na ilalabas ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa publiko ang pinal na `Report to the People’ kaugnay sa mga nagawa ng Duterte administration sa nakalipas na anim na taon.

Itinakda ang Duterte Legacy Summit sa Mayo 30 at 21 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Kabilang sa mga ilalahad sa Legacy Summit ay ang mga natupad na pangako ni Pangulong Duterte katulad ng Universal Health Care Law at Malasakit Center, libreng edukasyon, Bangsamoro Organic Law, kampanya kontra ilegal na droga, at ang batas para sa proteksiyon ng mga migranteng manggagawa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.