Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte admin bumaba sa 52% ang approval rating

0 119

Bumagsak sa 52% ang approval rating sa administrasyong Duterte ngayong quarter mula sa dating 64%, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Ito ang pinakamalaking pagbagsak ng approval rating ng administrasyon sa survey ng Pulse Asia na ginawa mula Setyember 6 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interview.

SM food to go Banner Ad

Bumagsak umano ang approval rating sa administrasyong Duterte sa lahat ng 14 na isyung tinukoy ng Pulse Asia at pinakamalaki ang binagsak pagdating sa paglaban sa korapsiyon na sumadsad sa 12 points mula Hunyo 2021.

Ang sumunod na malaking pagbagsak ay pagdating sa isyu ng pagprotekta sa mga overseas Filipino worker at sa pagpapatupad ng batas sa lahat kahit pa maimpluwensiya sila na kapwa bumagsak ng 7 points.

Pinakamababa ang approval rating pagdating sa pagkontrol ng inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung saan 37% lamang ang aprub sa administrasyon at ang sunod na may pinakamababang approval rating ay pagdating sa isyu ng pagbawas ng kahirapan o poverty reduction na 41% lamang ang iskor. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.