Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte admin nag-advance ng P540B sa BSP

0 80

Humiling ang administrasyong Duterte ng P540 bilyong provisional advance mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay BSP governor Benjamin Diokno ang hiling na P540 billion provisional advance ng national government ay nakatakda umanong mabayaran bago sumapit ang Disyrembre 20, 2020, at walang ibibigay na interest. Gagamitin umano itong pondo para masuportahan ang mga gastusin kontra COVID-19 pandemic.

Nakatakda namang pag-aralan ng Monetary Board ang bagong pangungutang ng administrasyon kung saan miyembro din si Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Matatandaan na umutang ang administrasyon sa BSP noong Marso 23 ng P300 bilyon para pondohan ang mga programa ng pamahalaan kontra sa pandemya at dapat itong nabayaran nitong Setyembre. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.