Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte alam na nabakunahan na sina Lacson, Romualdez – Sotto

0 224

SDC

Duda si Senate President Tito Sotto na nagbibiro lang si House Majority Leader Martin Romualdez nang ipabatid nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na naturukan na siya at si Senador Panfilo Lacson ng bakuna laban sa COVID-19.

Kuwento ni Sotto, sinabi ni Romualdez kay Duterte ang naturang impormasyon sa kanilang September 16 meeting sa Malacañang na patungkol sa umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corp.

“Kasi si Romualdez ang nagkukwento kay Presidente. Nandodoon ako. Then President Duterte asked me, ako ‘yung nasa kanan n’ya eh, sabi n’ya sa’kin, ‘O, ano? Halika tayong dalawa, testing na tayo’…” banggit ng Senate President sa isang online interview ngayong Lunes, Nobyembre 23.

SM food to go Banner Ad

“Sabi ko, ‘Teka muna sir, hintayin muna natin silang dalawa at saka ‘yung ibang nagpa-testing.’ Tingnan muna natin ang resulta, baka one of these days, baka bigla na lang sabihin sa akin ni Ping, ‘Who you?’ Binibiro ko s’ya nang ganun,” dagdag niya.

Duda aniya siya na biro lang ang sinabi ng House Majority Leader sa Pangulo.

“Si Presidente kausap n’ya eh. Ewan ko, sila ang tanungin n’yo kasi si Presidente ang kausap nya…” ayon kay Sotto.

“I doubt if he (Romualdez) was joking. Si Presidente ang kausap n’ya. Hindi naman kami nagbibiro kay Presidente unless sinimulan ni Presidente ang pagbibiro eh. Dun lang naman kami pwedeng makipagbiro,” paliwanag pa niya.

Una nang giniit ni Lacson na nagbibiro lang siya hinggil sa pagpapabakuna kontra coronavirus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.