Abante Tonite Interactive

Duterte aprub sa Kuwait ban

241

Tinangka umanong pagtakpan ng Kuwaiti government ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng overseas Filipina worker na si Jeanelyn Villavende.

Ito ang nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte para apruba­han ang rekomedasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipatupad ang total deployment ban para sa lahat ng manggagawang Pinoy na nais magtrabaho sa Kuwait.

Sinabi ni Panelo na taliwas sa pahayag ng Kuwaiti government na namatay si Villavende sa trauma at mga pasa sa buong katawan, luma­bas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na inabuso at sinodomize ito.

“The result of the re-autopsy conducted by the National Bureau of Investigation (NBI) indicates that overseas Filipino worker (OFW) Jeanelyn Villavende was sexually abused and sodomized, which means that the Kuwaiti government was attempting to hide the said circumstance when it gave us a general autopsy report that the cause of death was trauma and bruises all over her body,” ani Panelo.

Hindi aniya nagdalawang-isip ang Presi­dente na aprubahan ang rekomendasyon ni Bello dahil lumilitaw na hindi kayang sundin ng Kuwaiti government ang nilagdaang memorandum of agreement sa Pilipinas. (Aileen Taliping/Mina Aquino)