Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte atat matapos termino – Malacañang

0 186

Taliwas sa pinapalutang na Sara-Digong tandem sa 2022 elections, mas nasasabik umano si Pangulong Rodrigo Duterte na matapos na ang kanyang termino.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang sagot sa pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na posibleng mag-tandem sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Pangulong Dutere sa 2022 presidential elections.

Si Mayor Sara umano ang tatakbong presidente habang magiging bise nito ang kanyang ama na magtatapos ang termino sa 2022.

“Ang pagkakaalam ko po eh atat na atat na si Presidenteng matapos ang kanyang termino’t gusto na niyang umuwi sa Davao `no,” ani Roque.

Pesonal na opinyon lamang aniya ni Panelo ang Sara-Digong tandem sa 2022 at kung bakit paulit-ulit niya itong inihahayag sa kanyang programa sa telebisyon ay mas makabubuting ito na lamang ang tanungin. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.