Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte atras sa Senado para pandemya matutukan

0 217

Nagsalita na ang Malacañang sa pag-atras ni Pangulong Rodrigo Duterte sa senatorial race sa 2022.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na naniniwala ang Pangulo na mas matututukan nito ang pagtugon sa pandemya kung aatras ito sa kandidatura at para na rin makaba­ngon ang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“The President believes that withdrawing from the senate race will allow him to better focus on managing our pandemic response in order to sustain the progress we have made in the country and in safely reopening the economy,” ani Nograles.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, sinabi ng kalihim na pagkakataon na rin ito para matutukan ng Pangulo ang mga paghahanda para sa maayos at mapayapang eleksiyon sa 2022 elections.

Plano aniya ng Presidente na tuluyang magretiro sa serbisyo at gugulin ang panahon sa kanyang pamilya pagkatapos ng kanyang termino. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.