Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte balik Manila agad

0 210

Balik Malacanang na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang ilang linggo ng pananatili sa Davao City.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque Linggo ng gabi matapos kumpirmahin na nagtungo ang Pangulo sa Jolo, Sulu kahapon ng hapon para makiramay sa mga biktima ng magkasunod na pagsabog sa naturang lalawigan.

SM food to go Banner Ad

“This is to confirm that [the President] visited Jolo, condoled with some of the victims of the latest blast, and conferred with the Mayor. He is expected back in Manila tonight,” pahayag ni Roque sa mga reporter.

Umuwi si Pangulong Duterte sa Davao City noong Agosto 3.

Inaasahan naman na kanyang pupulungin ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management Emerging Infectious Diseases ngayong Lunes, Agosto 31, para pag-usapan ang bagong quarantine classification na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa simula Setyembre 1. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.