Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte bet turukan usec na ayaw pabakuna

0 196

Hindi itinago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkainis sa isang babaeng Undersecretary na ayaw umano magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang `Talk to the People’ kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi niya maintindihan kung bakit ayaw magpabakuna ang nabanggit na opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Duterte, gusto niyang puntahan sa opisina ang undersecretary para siya na mismo ang humawak sa kamay ng opisyal para sabay-sabay nang maturukan ng first at second dose gayundin ng booster shot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Undersecretary…baka puntahan na lang kita sa opisina ma’am at ako na lang maghawak sa iyo, kung hindi talian kita sa silya mo para maturukan ka. Tatlong tusok isabay mo na `yang booster para wala ng problema,” sabi ng Pangulo.

Maaari aniyang obligahin ang isang indibiduwal na ayaw magpabakuna lalo na kung nagiging banta ito sa pamilya at komunidad.

“Under the police power of the state, I can compel you,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.