Abante Tonite Interactive

Duterte bilib: Quiboloy pinatigil lindol

544

Naniniwala umano si Pangulong Rodrigo Duterte na pinatigil nga ni Pastor Apollo Quiboloy ang lindol sa Mindanao.

“I believe in Pastor Quiboloy when he said he stopped… Eh kung nag-stop, eh di what’s the trouble? Kung nagkataon talagang nag-stop,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa grand opening ng Acacia Hotel sa Davao City nitong Biyernes.

Sabi ng Pangulo, sana mayroon din siyang ganitong kapangyarihan para patigilin naman ang korapsyon sa pamahalaan.

“If only I have that power doon sa mga kurakot na i-stop… Alam mo dito, ang mga Pilipino hindi mo talaga madaaan sa pakiusap,” aniya pa.

Matatandaang sa October 30 episode ng kanyang weekly television program na “Give Us This Day” ay sinabi ni Quiboloy na kanyang pinatigil ang isang lindol sa Mindanao.

“Sabi ko, ‘Lindol, huminto ka. Huminto’,” sabi ni Quiboly.

“Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop ‘yun, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo,” ayon pa kay Quiboloy na una nang pinahayag na siya diumano ang ‘Appointed Son of God’.

Matatandaang niyanig ng tatlong major earthquake ang Mindanao noong Oktubre 16, 29 at 31, na sinundan ng malalakas ding aftershock. (Prince Golez/Aileen Taliping)