Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte binantaan kalalakihan sa Siargao: `Wag ipangtoma ayuda bugbugin ko kayo!

0 203

Mahigpit ang bilin at babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lalaki sa Siargao Island sa Surigao del Norte nang bisitahin ang lugar para personal na makita ang kalagayan ng mga residente, noong Miyerkoles.

Sa harap ng mga biktima ng bagyo sa nasabing isla, tiniyak ng Pangulo na makakarating sa mga residente ang kanilang cash assistance galing sa gobyerno.

Siniguro rin ng Pangulo na makakatanggap ng ayuda lahat ng lugar sa Visayas na hinagupit ng bagyong `Odette’.

“If not Thursday, you’ll get it by Friday. We just need to download it and sign some papers in the bank,” wika ni Pangulong Duterte sa salitang Bisayas subalit isinalin sa wikang Ingles ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mababasa sa website nito.

Subalit mahigpit ang bilin ng Pangulo sa mga lalaki sa Siargao na huwag nilang ibibili ng pangtoma ang perang matatanggap mula sa ayuda ng gobyerno kundi ay bubugbugin niya ang mga ito.

“But kidding aside, to the single men here, when you receive the financial aid, don’t ever use it to buy alcoholic beverages. I won’t allow it. Even the police, if I find out that they didn’t hand in their salary to their family, I’ll beat them up. I will really punch them,” ayon kay Pangulong Duterte.

Hindi aniya dapat masayang ang pera dahil mahirap ang panahon ngayon at dapat unahing gamitin ito para sa kanilang pagkain.

“But like I said, food supply won’t be a problem because it’s already here. So there’s really no problem with that. The money will arrive on Friday, or maybe Monday. So just wait for a while,” wika pa ng Pangulo. (Juliet de Loza-Cudia/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.