Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte binawalan pabakuna

0 79

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang miyembro ng gabinete at Presidential Security Group (PSG) ang nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Subalit nilinaw din nito na hindi kasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga binakunahan.

Sa panayam ng Teleradyo, sinabi ni Año na hindi pinayagan ng kanyang mga doktor na magpaturok ng bakuna ang Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, hindi rin tinukoy ng kalihim kung sino sa mga miyembro ng gabinete ang nagpaturok ng bakuna kontra COVID.

“Kasi that is what you call privacy, kumbaga confidential `yon eh. You cannot divulge because I might be violating his privacy, but I know some from the Cabinet and from the Presidential Security Group,” sabi ni An?o.

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si An?o na ang mga bakuna ay maaari nang magamit lalo na ng mga health worker at iba pang frontliner dahil may emergency use authorization (EUA) naman ito, kahit hindi pa ito pormal at pinal na naaaprubahan.

“`Yong mga gamot na `yan may EUA `yan eh, emergency use authorization. Kahit na hindi pa `yan formally and finally approved, in times of pandemic, puwede gamitin `yan ng mga tinatawag nating health workers, frontliners. `Yon `yong essence noon eh, bakit mo aantayin `yong final approval kung nangamatay na ‘yong mga health worker at mga frotliner?” paliwanag pa ng kalihim. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.