Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte binida pagbaba ng COVID hawaan

0 75

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang malawakang vaccination rollout labansa COVID-19 ang nagpababa sa bilang ng COVID cases sa bansa.

Ibinahagi ng Pangulo ang magandang balitasa kanyang ‘Talk to the People’ kasunod ng tuloy-tuloy na pagbaba ng COVID cases sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa at pagbagal ng kontaminasyon batay sa report sa kanya ng mga eksperto.

Ayon sa Pangulo, dahil marami na ang nabakunahan ay kumonti ang nagkakasakit at nahawaan ng virus.

“Dahil sa bakuna bumaba talaga ang hawaan. So kakaunti ang hawaan kasi kakaunti naman‘yung tao na hindi nabakunahan. So ‘yan ang magandang balita,” anang Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Batay sa talaan ng Department of Health, nakapagtala ng 8,292 na mga bagong kasonoong Oktubre 11, na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na linggo.

Dahil dito naniniwala si Pangulong Duterte na ang tanging solusyon para matalo ang COVID-19 ay mabakunahan ang mayorya ng mga Pilipino.

Kapag aniya nagtuloy-tuloy ang mabilis na vaccination rollout, naniniwala si Pangulong Duterte na magiging maganda ang Pasko ng mga Pilipino. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.