Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte biyaheng Dumaguete

0 241

Bumiyahe sa Dumaguete City nitong Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pulong ng Regional Peace and Order Council.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Pangulo ang magiging panauhing pandalangal sa aktibidad na dadaluhan ng mga lokal na opisyal aa buong Region 7 o Central Visayas.

Dahil dito walang “Talk to the People” nitong Lunes ng gabi ang Pangulo dahil karamihan ng mga miyembro ng gabinete ay nasa Dumaguete City rin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ito nga po `yong Regional Peace Council ng Region 7 at gagawin po `yan sa Dumaguete. Inaasahan natin na dadalo ang iba’t ibang public officials sa buong Region 7 so inaasahan natin ang talumpati ng Presidente,” ani Roque.

“Bukas (Martes) po magkakaroon tayo ng Talk to the People kasi dapat ngayong gabi pero nandito nga po kami ngayon sa Dumaguete,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.