Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte bobokyain UP budget

0 144

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ititigil ng gobyerno ang pagbibigay ng pondo sa mga state college and university (SUC) katulad ng University of the Philippines (UP) kung puro kilos protesta ang aatupagin ng mga estudyante sa halip na mag-aral.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na wala aniyang ginawa ang mga aktibistang estudyante kundi mag-recruit para sa kilusang komunista kaya mas mabuting putulin ang ibinibigay na subsidiya sa mga paaralan ng gobyerno.

“Maghinto kayo ng aral. I will stop the funding. Wala na ginawa itong ano kungdi mag-recruit ng mga komunista diyan,” anang Pangulo.

Paaral aniya ang mga ito ng gobyerno pero ang binibira ay ang pamahalaang sumusuporta at nagbibigay ng subsidiya para sa kanilang edukasyon.

“Nag-aaral kayo tapos ang gusto niyong binibira ay ang gobyerno. Masyado namang nakasuwerte kayo. Huwag talaga kayong manakot kasi I will oblige you,” dagdag ng Pangulo.

Pahayag naman ni Froilan Cariaga, chairperson ng UP-Diliman Student Council, hindi natatakot ang mga iskolar ng bayan sa banta ng Pangulo dahil nakasandig sila sa lakas ng masa.

Aniya pa, hindi na rin bago sa kanila ang pag-ugnay sa UP sa mga komunista.

Dagdagan hindi tapyasan – Recto

Inihayag naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat dagdagan ang pondo ng mga SUC sa halip na bawasan ito sa gitna ng mga panawagan para sa academic freeze.

“No state university or college should get a budget cut. The amount in the proposed budget should be retained, and will be benchmarked as the floor, meaning it can still be increased,” sabi ni Recto.

Ayon pa senador, ang Philippine General Hospital (PGH) na isang unit ng UP ay dapat ding dagdagan ng pondo.

“Its equipment lack is a pre-existing affliction which must be cured, pandemic or not. And so do the state colleges training our future doctors,” ani Recto.(Aileen Taliping/Prince Golez/Dolly Cabreza/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.