Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte bumalik sa Marawi: Babangon kayo!

0 113

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga-Marawi City na bibilisan ang pagkumpleto sa mga rehabilitation project sa lungsod sa natitirang panahon ng kanyang termino.

Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang ika-apat na anibersaryo ng pagkakabawi ng mga tropa ng pamahalaan sa Marawi mula sa mga teroristang Maute Group at sa pagbubukas muli ng Grand Mosque sa lungsod matapos masira dahil sa giyera.

“We, in government, are strongly committed to bring back the city’s glory,” pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Muling kinilala at pinapurihan ng Pangulo ang mga pulis at sundalo gayundin ang mga mamamayan ng Marawi sa kanilang tapang at sakripisyo para maipagtanggo ang lungsod laban sa mga terorista.

Hangad ng Pangulo na sana hindi na maulit ang nangyaring giyera na nag-iwan ng bangungot at dusa sa mga mamamayan ng Marawi.

Kinubkob ng mga terorista ang Marawi noong Mayo 23, 2017 subalit nabawi rin ito ng mga tropa ng pamahalaan hanggang sa dineklarang malaya na ang lungsod mula sa Maute Group noong Oktubre 2017.

Makailang beses na rin bumisita sa naturang lungsod si Pangulong Duterte at pinakahuli sa ika-apat na anibersaryo ng Marawi liberation kahapon. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.