Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte bumisita sa Sulu

0 501

Lumipad patungong Sulu si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes para bisitahin ang mga sundalo sa bayan ng Jolo.

Sa pahayag ng tanggapan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kinumpirma nito ang pagpunta ng Pangulo sa Sulu para tingnan aniya ang kalagayan ng mga sugatang sundalo doon.

“I confirm that [the President] had just left Jolo, Sulu where he addressed the troops and visited wounded soldiers,” ani Roque.

Noong Hulyo 3 ay nagtungo si Pangulong Duterte sa Zamboanga City para kausapin ang mga opisyal ng militar at pulisya hinggil sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo matapos pagbabarilin ng mga pulis. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.