Abante Tonite Interactive

Duterte: Coronavirus dala ng hangin

856

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kababayang Pilipino na magsuot ng face mask para mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa kanyang televised news conference Lunes ng gabi, hinimok din ng Pangulo ang publiko na manatili sa tahanan at limitahan ang paglabas-labas maliban na lamang kung may kinakailangang bilhin.

“Ang [Covid-19] is science period. The reason why we are ordering you [to stay] inside the house is also science period,” sabi ng Pangulo.

“Hindi ito kalaban na galing sa, it’s a goddamn [microscopic] that’s crawling all over the world… It’s a deadly thing. That is why `wag kayong lumabas kasi alam mo ito, it’s in the air. I hope you were able to see the Japanese expert, science kung paano ito ma-transmit,” aniya pa.

Dagdag na payo pa ni Pangulong Duterte sa publiko: “Mag-mask kayo kasi `pag nahigop mo `yan. [It can be spread through exhaled breath] Eh lahat naman tayo humihinga. Kung nandyan ka, less than 10 feet, may hangin, dadalhin `yong [virus].” (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad