Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte dadalo sa SONA – Sotto

0 385

Inaasahang personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa Complex para sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONS) na gaganapin sa Hulyo 27 kahit mayroon pang COVID-19 pandemic, ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

“I just received word today that the President has decided to deliver his SONA in the Batasang Pambansa sa House of Representatives,” sabi ni Sotto sa kanyang online press briefing nitong Huwebes.

Hindi katulad ng mga nakaraang SONA ang magaganap ngayong taon dahil limitado ang bilang ng mga dadalong miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso sanhi ng social distancing protocol na pinaiiral sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay Sotto, 50 upuan lamang ang nireserba para sa mga opisyal ng executive at legislative department para sa SONA ng Pangulo at wala ring manonood na papapasukin sa plenaryo. (JC Cahinhinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.