Abante Tonite Interactive

Duterte dapat pa-COVID test uli – Sotto

889

Mas makabubuting muling magpasuri si Pangulong Rodrigo Duterte matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isang miyembro ng kanyang gabinete, ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

“Of course the President should. It’s best to always make sure that the President’s health is primordial,” pahayag ni Sotto sa kanyang mensahe sa mga reporter.

Nauna rito, sinabi ni Senador Bong Go na hindi na muling sasalang sa COVID-19 test ang Pangulo kahit na nagpositibo si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa nasabing virus.

“‘Di na muna,” sabi ni Go.

“Ingat lang tayo lahat. Patuloy po kaming mag-iingat at parati ko pinapaalala kay Pangulo mag-ingat. Kelangan po natin ng matatag na leader lalo na sa panahon ng crisis,” dagdag nito.

Una nang sumailalim sa COVID-19 test si Pangulong Duterte noong kalagitnaan ng Marso at negatibo naman ang resulta nito.

Kasalukuyang naka-self-quarantine ang 75-anyos na Pangulo. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad