Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Duterte ‘di aatrasan COVID

0 605

Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang haharapin ang COVID-19 pandemic hanggang sa matalo ito ng bansa.

Aniya, mahaba pa ang laban kontra sa pandemya at hinihiling nito ang pakikiisa ng bawat Pilipino para magtagumpay laban sa COVID-19.

“Let me say again that the victory in global battle against COVID-19 will take longer than we expect, everyone’s cooperation is needed,” wika ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

SM food to go Banner Ad

Aminado rin si Duterte na hindi perpekto ang kanilang aksyon laban sa pandemya. Sa ngayon ay Pilipinas na ang nangunguna sa Southeast Asia sa mga aktibong kaso ng COVID-19 sa kabila ng pinatupad na pinakamahabang community quarantine sa buong mundo.

“I must admit that our actions have been far from perfect, totoo `yan,” sabi ng Pangulo.

Subalit hindi aniya susuko ang administrasyon para tuluyang matalo ang COVID-19.

“But all of us from government, including myself, assure you that we will not stop until we get things right and better for you,” wika pa nito. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.