Abante Tonite Interactive

Duterte ‘di dadalo sa misa ng Balangiga

236

Walang balak si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na dumalo sa idaraos na misa ng Simbahang Katolika kaugnay sa hand-over ng tatlong kampana sa Balangiga, Eastern Samar na gaganapin bukas.

Sa kanyang talum­pati sa birthday celebration ni dating Senador Manny Villar, sinabi ng Pangulo na dadalo lamang siya sa sere­monya ng hand-over at hindi siya makikinig sa misa ng mga pari at Obispo dahil marami na siyang napakinggang misa sa mundo.

Ikinuwento ng Pa­ngulo ang naging karanasan niya sa mga mga pari sa Davao City noong kindergarten pa siya kaya nawalan ito ng gana sa simbahan.

Habang may misa ­aniya ay mamalagi lang siya sa dalampasigan at ang magiging papel lamang ay tanggapin ang mga kampana mula sa mga kinatawan ng Amerika at ibibigay naman niya ito sa mga lokal na opisyal ng Balangiga.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bahala na ang mga lokal na opis­yal ng Eastern Samar na ibigay ang mga kampana sa mga pari sa bayan ng Balangiga.