Abante Tonite Interactive

Duterte ‘di diktador, mahigpit lang sa opisyales – Ping

By
1,936

Hindi naniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang maging diktador upang maayos ang bansa.

Sa tingin ni Lacson, nag-eexaggerate lamang ang Pangulo sa kanyang mga pahayag.

“He is of course exaggerating since we all know there is no dictatorship prevailing in the country.  He might be referring to his style of leadership towards his subalterns in the executive,” pahayag ni Lacson.

Ganito rin ang basa ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na ang dictatorial style ay ginagawa lang ng Pangulo sa kanyang nasasakupan.

“Style lang naman yon and he can and should do that within his branch THE EXECUTIVE BRANCH. Dapat super strict sya para nga may mangyari!” giit ni Pimentel.

Pabor naman si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III sa istilo ng Pangulo dahil kailangan na anyang disiplinahin ang mga Filipino.

“Dapat nga siguro dahil ang titigas ng ulo natin. Mga driver lang puro salbahe,” giit naman ni Sotto.